- Di na po kailangan kumuha ng Quarantine Pass dahil local government unit (LGU) Legazpi na ang mag-i-issue). Ang mga edad 21-59 years old, any ID lang po ang kailangan. Exceptions are those below 21 years old at senior citizens na walang ibang puede mautusan lumabas ng bahay para mamalengke or grocery na kailangan munang pumunta sa barangay nila para magpalista. Sa mga nasambit na sector, barangay na po ang pupunta sa 911 command center para di magsiksikan at masunod ang social distancing.
2. Ang mga lalabas naman sa Legazpi at pupunta sa kanilang trabaho na nasa ibang lugar, kailangang kumuha travel pass sa 911 command center. Hindi ka papayagang lumabas ng Legazpi o makakapasok sa ibang lugar kung walang travel pass.
3.Ang galing sa ibang lugar like Daraga or Tabaco kailangan mo ng travel pass issued ng LGU nyo para makapasok ka sa Legazpi at makapagtrabaho, mag-grocery at mamalengke, o gawin ang business transactions.
4.Ang lahat ng tindahan or malls sa Legazpi ay kailangan maglagay ng markings para sa proper social distancing. Di papayagang magbukas ang walang social distancing markings.
Ang address ng 911 command center ay sa harap lang ng Albay Astrodome, Old Albay District, Washington Drive. Look for Ms. Ladee Azur.
Source: Mayor Noel Rosal Facebook Page