After roaming safari, our friend, Nery Ronatay is now shopping in the floating markets and eating tom yum in Thailand. But still, he has a time for writing poems. Below is another contribution from this vagabond while adoring Ankor Wat.
Epilogo sa Isang walang Hanggan
Tinatangay ka sa hibla ng mga alaalang
nagkukubli sa gayad ng nakaraan.
Tinitingnan kita at sinasalat ko
ang kabang laging kumakatok
sa dibdib ko tuwing kaharap ka.
Hindi na nga ako kinakabahan.
At nakakatakot pala iyon—
ang isang araw gumising
kang hindi mo na kailangan
ang taong pinili mong buuhin
ang iyong walang hanggan.
Inaanod ka na kasama ng mga
pangarap na nilaro natin.
Hindi mo kasi magawang
kumapit sa lubid na minsan
nating hinabi upang tumawid
sa milya-milya nating
Pagitan. Parang pangitaing
binura ang lahat-lahat sa laot
ng puso nating nilayag ng takot.
Nawawala ka nang unti-unti
kahit noon pang tinatahi
natin ang ating mga labi.
Ah! Napakahirap mangulilala
sa tulad mong hindi mawawala.
Umiiyak ako tuwing mararamdaman
kita kahit di kita nakikita
Ngunit matapos ang lahat, nakakalitong
Ikaw ay narito sa aking harapan
Ngunit di na kita maramdaman.



Leave a reply to j.a. carizo Cancel reply